I want to shoot people. Sometimes with my camera but most of the time with a gun.

Ian Calimbahin (pinoyshuttr)

(via sheischarmed)

Oi ano na?! Gising, Tol. Tumatanda ka na, tol.

Gising, Tol. Tumatanda ka na, tol.


Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito
mong kanta.

Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.

Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.

Tatay at nanay na lagi ang role ng crush na crush
mong mga matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng
“PENDONG!”. Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na
yung napapraning.

Parang botika na ang cabinet mo. May
multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly,
tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon,
sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung
anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng
mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa
canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya
ninyo.

Wala na ang best friend mo na lagi mong
pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na
lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka
sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod
ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.
Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo
araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto
ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang
pagkakaibigang umusbong
galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong
pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera.

Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na
ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng
tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card
mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant
pancit canton.
Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang
fettucine alfredo mo.

Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo
para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy
kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,
maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa
income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na
sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin,
hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka.

Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa
lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.

Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.

Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang
mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan
mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

(via marvilovesthree)

Wala naman masyadong exciting na nangyari ngayong araw tulad din ng mga nakaraang araw. Nagtagpo nanaman kami ni putashop, oo kasi di ko sya maintindi -intindihan gamitin. Nakakasakit ng batok. Piling ko kasi dati ang galing galing ko sa mga kalikutan at edit-an na ganyan kaya ang lakas ng loob ko. Hanggang paint at photobucket lang pala ang keri ng powers ko. :(

Pinadrawing din kami ng mukha ng kanong lalaki. Kamuka ni Justin Bieber yung aken, na sa paningin ko lang ata? Pero muka naman syang maayos, isa na nga siguro sa pinakamaayos kong napasa sa subject na yon, bukod dun sa pinakamaganda ko na atang drawing sa buong buhay ko na hindi naman pala gegreydan, tapos pagdududahan ka pa ng mga kaklase mong pinagawa mo lang. Tangina sana talaga di ko na ginawa yun e. Tandang tanda ko pa tiniis kong gutom at antok para dun kasi nga takot na takot ako na walang mapasa at mapahiya sa klase. Tapos ngayon, naglalaro lang palagi sa 78%-75% mga nakukuha kong grade dun. Okay lang. Tanggap ko na. Ang saya ko pa nga e. 

Wala din namang kalatoy latoy ang presensya ko ngayong araw. Ang dami kong pinagsasasabing wala namang kakwenta kwenta. Tapos nagjojoke ako ng ako lang din naman nakakaintindi, na madalas naman ata talagang mangyari. Seryoso, parang.. Ewan.. Ayoko na. Ang gusto ko lang naman talagang sabihin e matutulog na ko ng maaga simula bukas. Hehehe 

(via artist-problems)

Page of my emo day to my emo year.

Isa na siguro sa pinakaayaw ko sa isang tao bukod sa mga hindi sumasagot kapag kinakausap kahit narinig ka naman, e yung laging nakikipagkompetensya. Yung tipong bilib na bilib sila sa mga sarili nila tapos minsan may pahumble epek pa pero pota alam mo namang di talaga sya padadaig. Yung di matatahimik yung kalooloban nya kapag sya pinakamababa o napagiiwanan sa mga bagay bagay sa buhay buhay.

Matindi pa kapag nataasan o nalamangan mo sya, walang hanggang paliwanagan yan kung bakit di sya nakapagpakitang gilas, na wala ka naman syempreng pake kasi gutom na gutom ka na. Tapos nakatsamba ka lang talaga sa paningin nya.

So highschool.

#letse  #buhay  #college  

Umabsent nanaman ako sa NSTP. Isa nalang bibinggo na ko dun. Lanya naman kasi kung bakit nadrop drop ko pa yun nung ‘sang taon. Puro mga haliparot na first year tuloy mga kaklase ko. Nakakaburat. As always. Duh

Tengna naman kasi outcast na outcast ako don. Tapos lahat pa ng mga kagroup ko parang mga supladita’t supladito. Tipong wala talagang kumakausap saken kahit isa sakanila. Putang ina. Wala naman akong ginagawang masama. Tapos halos lahat pa sila sa klase magkakausap na. Plastikan o totohanan basta ang mahalaga e magkakausap sila. At ako? Ayun, nanonood ng pogs ng mga kids. Buti nga napigilan ko e, konti nalang kasi sasali na talaga ko sakanila. Lahat pa ng kagrupo ko inako na lahat ng gawain sa buhay. Okay naman saken, masaya sila dun e. Sana lang pag hugasan na ng plato e sila pa rin ang umako hanggang pagtapos ng sem. Bale, feeding kasi ginagawa namin dun e. Puro lugaw lang naman naabutan ko.

Di ko pa maintindihan mga trip ng mga kaklase ko. Parang paastigan sila dun. Mga babae, mga pa bossy. Saka ko na sila iddidiscuss. Wala na kong maintindihan. Di ko matanggap na isa nalang pede kong gawing absent. Gusto ko na idrop ulit ‘to. Di naman pede. Kelangan kong magpakatatag.

Di ko keri gurl~

Salamat sa braid ni @kimmybob kahapon. Cute! :) (Taken with Instagram)

Good morning gurl~

(via thekunwariblog)